NEGOSYANTENG TRANSWOMAN, HINALAY NG CHINESE SA RESORT

BATANGAS – Isang 25-anyos na negosyanteng transwoman ang hinalay umano ng isang Chinese national sa isang resort sa Barangay Ligaya, sa bayan ng Mabini sa lalawigan noong Sabado.

Ayon sa report ng Mabini Police, personal na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktimang kinilalang si “Larc”, residente ng Las Piñas City, upang i-report ang insidente.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, bago ang insidente, dakong ala-1:00 ng madaling araw, nakatanggap ng banta ang biktima mula sa suspek, na kinilalang si Ehrron Sy, 23, Chinese national, at isa ring negosyante, na ipakakalat nito ang kanyang nakahubad na video sa social media kung hindi siya papayag na makipagtalik dito.

Kasama ang kaibigan, nagtungo ang biktima sa Blue Ribbon Resort upang kausapin ang suspek at ipa-delete ang umano’y video, ngunit hindi pinayagan ang kasama niyang pumasok.

Pagpasok niya sa silid ng suspek, agad siyang sapilitang hinubaran at hinalay na nagdulot ng matinding trauma sa biktima.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente at inaasahang sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek.

(NILOU DEL CARMEN)

49

Related posts

Leave a Comment