ARTISTAHING MAYOR AYAW PAUPUIN NI CONG.

MAY nasagap kaming chika na isang kongresista ang tinatakot o bina-blackmail daw ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) para hindi makaupo ang bagong halal na artistahing mayor sa isang bayan sa South Luzon.

Ayon sa isang impormante, may sinusuportahang mayor si Cong. pero kahit natalo ay gusto pa rin niya na ito ang maupo sa puwesto.

Sabi raw ni Cong., gagawin niya ang lahat para hindi matuloy ang proclamation ng guwapo at newly elected mayor.

Ayon pa sa sitsit, nagbanta si Cong. na haharangin ang appointment ng dalawang Comelec commissioner sa pagsalang nila sa Commission on Appointments dahil sa kabiguan ng mga ito na aksyunan ang inihain ng kanyang ‘manok’ na cancellation of proclamation ng nanalong mayor.

Nag-file na raw ang tao ni Cong. ng Motion for Reconsideration sa Comelec ngunit hanggang ngayon ay wala pa itong desisyon.

(FAVATINNI SAN)

6

Related posts

Leave a Comment