OPISYAL na sinimulan nitong Lunes, Hunyo 9 ng Department of Education (DepEd) ang Brigada Eskwela 2025.
Kasabay ng paghikayat ni Education Secretary Sonny Angara sa mga Pilipino na bukod sa paglilinis ng mga eskwelahan ay mahigpit na tanggapin ang mas malalim na misyon at ito ay ang: ‘Bayanihan at education for all.’
“Brigada Eskwela is more than just fixing the schools; it is a bayanihan movement,” ang sinabi ni Angara sa kanyang kalatas.
“We invite all education champions and partners to join us not only in refurbishing classrooms but also in building supportive environments that empower every Filipino child to read.” aniya pa rin.
Ang kampanya ngayong taon ay tatakbo mula June 9 hanggang 13, may bitbit na temang “Brigada Eskwela: Sama-sama Para sa Bayang Bumabasa,” binigyang-diin ang mahalagang ugnayan sa pagitan ng komunidad at literacy development.
Samantala, inulit naman ng environmental watchdog EcoWaste Coalition ang panawagan ni Angara na pagtutulungan o kolektibong aksyon, idagdag pa na ang Brigada Eskwela ngayong taon ay dapat iprayoridad ang pagpapanatili.
“We enjoin our schools across the country to conduct this unique expression of the ‘Bayanihan’ spirit in the most eco-friendly manner possible to avoid garbage and pollution,” ang sinabi naman ni Aileen Lucero, national coordinator ng EcoWaste.
At upang makatulong na gabayan ang mga kalahok, nagpalabas ang grupo ng set ng green guidelines, gaya ng pagbabawas ng paggamit ng plastic, pag-iwas sa mga nakakapinsalang kemikal at paggabay ng malinaw na PVC tarpaulins.
Sinabi ng EcoWaste na ang mga kasanayan na ito ay alinsunod sa umiiral na polisiya ng DepEd ukol sa ‘solid waste management, lead-safe paint, at anti-smoking rules’ sa mga school premises.
(CHRISTIAN DALE)
