P204-M SHABU NATUKLASAN SA INABANDONANG MALETA

CAVITE – Bumulaga sa mga awtoridad ang mahigit P204 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa loob ng isang inabandonang malaking maleta sa isang bakanteng lote sa bayan ng Naic sa nasabing lalawigan nitong Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa ulat, bandang alas-2:10 ng madaling araw, ipinagbigay-alam ni Jeferson Pausal y Paigao, 26, security guard, sa nagpapatrulyang mga operatiba na sina Pat. Ronald Ian Benter at Pat. Honald De Jesus ng Naic Police Station, ang natagpuang isang inabandonang malaking maleta sa Friendship Road, Brgy. Sabang, Naic, Cavite.

Nang buksan ang maleta, bumulaga sa mga awtoridad ang tinatayang 30 kilograms ng hinihinalang shabu na may standard drug Price na P204,000,000.

Sa isinagawang inspeksyon, natagpuan din ng mga awtoridad ang isang surveillance camera na nakakabit sa isang kongretong poste malapit sa lugar.

Hinala ng pulisya, may isang tao na pipik-ap sa nasabing maleta at ikinabit ang surveillance camera para matiyak nila ang tamang tao na kukuha ito.

Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV at forensic digital examination sa narekober na surveillance camera.

(SIGFRED ADSUARA)

15

Related posts

Leave a Comment