MARAMING PERSONALIDAD SA LIKOD NG PAGPATAY SA MGA SABUNGERO – DOJ

KINUMPIRMA ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na maraming personalidad ang nasa likod ng pagdukot at pagpatay sa mga nawawalang sabungero ng Laguna at Bulacan.

Ayon sa kalihim, hindi bababa sa 10 na mga pangalan ang nabanggit sa kanya ni alyas Totoy at ilan sa mga ito ay kilalang personalidad.

Si alyas Totoy ang isa sa mga akusado sa krimen at lumantad na whistleblower sa pagkawala ng mga sabungero.

Ayon pa sa kalihim, ang mahalaga sa ngayon desidido si alyas Totoy na ilabas ang kanyang mga nalalaman.

Alam na rin ni Remulla ang pagkakakilanlan ni alyas Totoy dahil nakausap na niya ito bago pa man mag-eleksyon.

Sa ngayon, patuloy ang case build-up sa kaso, hahanapin ang mga sinasabing bangkay na binaon sa Taal Lake sa tulong ng mga technical diver.

Nasa 30 sabungero ang pinaghahanap pero sa isiniwalat ni alyas Totoy, posibleng aabot sa higit 100 ang pinapatay.

(JULIET PACOT)

15

Related posts

Leave a Comment