PINARARANGALAN at pinangangalagaan ng Villar Foundation ang dignidad ng LGBTQIA+ community sa pamamagitan ng pagdiriwang ng iba’t ibang sekswal na oryentasyon, pagkakakilanlang pangkasarian, at mga pagpapahayag ng sarili—isang pagtataguyod ng inklusibidad, paggalang, at pagtanggap.
Kabilang diyan ang idinaos kamakailan na BB Bahaghari 2025 na dinaluhan kamakailan ni Senator-elect Camille Villar.
Kasama niya sa larawan (L-R) sina 2024 BB. Bahaghari Gretess Cunanan; 1st Runner-up Seike Mitch Fernando (Brgy. Manuyo 2); Bb. Bahaghari 2025 Zhoey Arana (Brgy. Pulang Lupa 1); 2nd Runner-up Sam Cabasag (Brgy.Talon 5); at Senator Cynthia Villar.
(DANNY BACOLOD)
