2 SA 6 NA SUSPEK SA PAGPATAY SA OFFICIAL NG KAMARA, HAWAK NA NG PULISYA

NASA kustodiya na ng pulisya ang dalawang suspek sa pagpatay sa Technical Staff Chief ng House committee on ways and means na si Dir. Mauricio ‘Morrie’ Pulhin nitong Hunyo 15.

Inihayag ni PNP Spokesperson BGen. Jean Fajardo, na naaresto ang dalawang suspek nitong Lunes at sinampahan na rin ng kasong Murder kabilang ang apat na “at large”.

Aniya, nasa kustodiya na ng Quezon City Police District ang dalawa kung saan nagbahagi rin ng extra judicial confession ang isa sa nahuli na si alyas ‘Balong’.

Batay sa kanyang salaysay, inupahan sila ng isang mag-live in partner na dati umanong nakaalitan ng biktima.

Nagalit umano ang mastermind na magka-live-in kay Pulhin dahil sasampahan sila ng kasong qualified theft at estafa, subalit hindi ito itinuloy.

Dito na sila kinontrata ng mga mastermind para patayin ang biktima.

Patuloy naman ang manhunt operation ng pambansang pulisya sa apat pang suspek.

(TOTO NABAJA)

53

Related posts

Leave a Comment