BANSANG NAG-AALALA SA PAG-WATER CANNON NG CCG SA PINOY VESSEL NADAGDAGAN PA

MAS maraming foreign missions sa Pilipinas ang nagpahayag ng kanilang pag-aalala hinggil sa kamakailan lamang na paggamit ng China Coast Guard (CCG) ng water cannon sa Filipino vessels sa labas lang ng territorial sea ng Bajo de Masinloc.

Sa isang post sa X, araw ng Martes, muling ipinaalala ni Australian Ambassador HK Yu na ang 2016 Arbitral Ruling ay umiiral sa lahat ng partido at ang pagtatalo sa South China Sea ay dapat lamang na mapayapang lutasin.

“Australia shares the Philippines’ concerns at China Coast Guard’s use of water cannons against Philippine vessels near Scarborough Shoal,” ayon kay Yu.

“The Arbitral Award is binding on the parties, and disputes must be resolved peacefully consistent with international law, esp. UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea),” aniya pa rin.

Inulit din ng New Zealand Embassy sa Maynila ang kahalintulad na panawagan at hinikayat ang lahat ng partido na lutasin ang labanan alinsunod sa UNCLOS.

“New Zealand is again concerned to see dangerous manoeuvres and the use of water cannons against BFAR (Bureau of Fisheries and Aquatic Resources) vessels in the South China Sea,” ang sinabi naman ng New Zealand Embassy sa Maynila sa X.

“We do not want to see safety put at risk like this. Once again, we call for the peaceful resolution of maritime disputes in accordance with UNCLOS,” ayon sa embahada.

Samantala, muli namang pinagtibay ng South Korean Embassy sa Maynila ang suporta nito para sa kapayapaan, katatagan at kaligtasan sa South China Sea.

“The Embassy of the Republic of Korea in the Philippines is concerned about the recent use of water cannons and dangerous maneuvers against the Philippine vessels around the Scarborough Shoal,” ang sinabi nito.

Nagpalabas naman ng kani-kanyang kalatas ang Estados Unidos, European Union, United Kingdom, at Canada na nananawagan para sa paggalang sa international law.

(CHRISTIAN DALE)

48

Related posts

Leave a Comment