Kaya ginigipit ng Marcos admin VP SARA FRONTRUNNER SA 2028 ELECTIONS

(CHRISTIAN DALE)

IDINEKLARA ni Vice President Sara Duterte ang sarili na frontrunner sa susunod na pampanguluhang eleksyon sa 2028.

Binanggit ito ng Bise Presidente sa panayam sa kanya ng isang Russian media kamakailan na inilabas ng Office of the Vice President (OVP) noong Miyerkoles, Hunyo 25.

Ito aniya ang dahilan kaya tinatangkang ‘walisin’ silang mga Duterte ng kanilang mga kalaban.

“The survey shows that. And I think they want to eliminate the frontrunner…They think if they take out former President [Rodrigo] Duterte, they will weaken me because of it’s one brand, it’s one family,” ani VP Sara.

Iginiit ni Vice President Sara Duterte na ang kanyang pagiging frontrunner sa 2028 presidential race ang dahilan sa mga kasong isinusulong laban sa kanya ng administrasyon.

Kabilang na aniya rito ang impeachment case na bahagi ng planong pag-eliminate sa kanya.

Kasabay nito, inakusahan niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gustong manatili sa poder pagkatapos ng termino nito sa 2028.

Samantala, sa panayam sa kanya ng media sa Pampanga kahapon, tumangging magdetalye ang batang Duterte ng kanyang mga plano sa pulitika sa hinaharap.

Ang katwiran ni VP Sara, ang paghahayag sa kanyang plano ay magpapataas lamang ng pangamba para sa kanyang kaligtasan.

“Well, I can’t answer that because they might kill me,” aniya dahil halata naman aniyang pinag-iinitan siya ng kasalukuyang administrasyon, mula sa target ng political attacks para ma-impeach.
“And I think what comes next is… you know? It’s like, ‘Let’s just get this woman killed so that the administration’s problem is over,’ note the administration, not the people’s problem,” ang winika ni VP Sara.
“Ako na ang may kasalanan ng lahat, inimpeach na nila ako, pero hindi pa ako na-impeach hanggang ngayon. So baka ang susunod noon ay sabihin nila na i-tegi na lang ang babaeng ito para matapos na ang problema ng administrasyon…. hindi na bayan ha? ng administrasyon,” aniya pa.

“Popularity is not Immunity”

Samantala, hindi lisensya ang pagiging frontrunner sa 2028 presidential election para labagin ng isang government official tulad ni Vice President Sara Duterte ang Saligang Batas at umiwas sa pananagutan.

Sagot ito ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong sa pahayag ni Duterte na ang impeachment case na isinampa laban sa kanya ay politically motivated na ang layon ay burahin siya bilang contender sa 2028 presidential election.

“Let me be very clear: being a front-runner is not a defense against serious allegations. It is not a shield from investigation, nor is it a justification for violating the Constitution,” ani Adiong.

“Hindi lisensya ang pagiging frontrunner para gumawa ng krimen o lumabag sa Konstitusyon. Popularity is not immunity,” dagdag pa ng mambabatas.

Itinanggi rin ng Muslim aolon ang alegasyon ni VP Duterte na tumanggap ng bayad ang mga mambabatas para suportahan ang impeachment complaint na isinampa laban sa kanya.

“That allegation is outrageous, malicious, and utterly beneath the dignity of the Office of the Vice President. For her to claim—without a shred of evidence—that we were paid off to do our constitutional duty is an insult to every member of the House of Representatives,” ayon pa kay Adiong.

Ipinaliwanag nito na kaya umabot sa 215 congressmen ang nag-endorso sa ikaapat na impeachment complaint ay dahil nakita ng mga ito ang ebidensya kung papaano nalustay ang confidential funds, hindi lamang ng Office of the Vice President (OVP) kundi sa Department of Education (DepEd) na dating pinamunuan ni Duterte.

Bukod dito, harap-harapang pinagbantaan ni Duterte ang buhay ng Pangulo, Unang Ginang at Speaker of the House gayundin may mga kwestiyonableng ari-arian ito at pagkakasangkot nito sa Davao Death Squad (DDS) na naghasik ng kamatayan sa bansa.

“Vice President Duterte cannot claim political persecution while evading the substance of the charges—misuse of confidential funds, threats against the President, and questions over her involvement in state-sanctioned killings. These are matters of public interest, not partisan games,” ani Adiong.

“We do not impeach people because they are popular. We impeach when the law is broken. That is our duty. That is our mandate under the Constitution. No one is above it—not even the most powerful public officials,” dagdag pa ng mambabatas kasabay ng hamon sa Pangalawang Pangulo na harapin ang kanyang kaso imbes na ilihis at iwasan ang usapin.

(May dagdag na ulat si BERNARD TAGUINOD)

44

Related posts

Leave a Comment