PAMILYA NG BIKTIMA SA ATIMONAN ENCOUNTER DISMAYADO SA PAGKAKA-ABSWELTO NI MARANTAN

LABIS na pagkadismaya ang idinulot ng pagpapawalang-sala sa mga akusado, kabilang si Police Colonel Hansel Marantan, sa pamilya ng mga biktima ng tinaguriang “Atimonan Rubout” makalipas ang mahigit isang dekada.

Ayon kay Maria Bella Lontok Evangelista, kapatid ng biktimang si Tirso “Jun” Lontok, muling nagdalamhati ang kanilang pamilya sa desisyon.

Aniya, ipinakikita nito ang kawalang-katarungan sa sistema ng hustisya sa bansa.

Binatikos ni Evangelista si Judge Teresa Soriaso sa pagpapawalang-sala sa mga pulis, dahil aniya’y mas pinaniwalaan ang testimonya ng isang malayo kaysa isang malapit na testigo.

Iginiit ng pamilya Lontok na malaki ang papel na ginampanan ng koneksyon at impluwensya ni Marantan sa naging resulta ng kaso.

Para sa kanila, naging mailap ang hustisya matapos ang mahabang paghihintay.

Dahil dito, idineklara nilang hindi na sila mananawagan sa anomang ahensiya ng pamahalaan.

Sa halip, sa Diyos na lamang sila umaasa para sa katarungan ng kanilang mahal sa buhay.

(NILOU DEL CARMEN)

34

Related posts

Leave a Comment