MERALCO, MAS PINALAKAS ANG SERBISYO NG KURYENTE SA BULACAN

Bilang bahagi ng pagsisikap nitong makapaghatid ng maaasahan at ligtas na serbisyo ng kuryente, in-upgrade ng Manila Electric Company (Meralco) ang power transformer bank ng Duhat Substation sa Bocaue, Bulacan.

Pinalitan ng kumpanya ang 42-taong gulang na power transformer ng bagong 300 megavolt amperes (MVA), 220 kilovolt (kV) – 115 kV power transformer na may on-load tap changer. Masisiguro nito ang tuluy-tuloy at maaasahang serbisyo ng kuryente sa mga bayan ng Sta. Maria, Bocaue at Marilao sa Bulacan.

Kabilang sa mga gusali at pasilidad na makikinabang dito ay ang Philippine Arena, Hightension Steel, Joni Villanueva General Hospital, Valenzuela City Emergency Hospital, SM City Marilao at ilang bulwagang munisipyo at lungsod sa probinsya.

Patuloy na pinauunland ng Meralco ang mga pasilidad nito upang makapaghatid ng ligtas, matatag, at maaasahang serbisyo sa mga customer.

16

Related posts

Leave a Comment