ELISSE JOSON NANGANGARAP PA RING MAGING DOKTOR

ellise12

I SAY(NI RK VILLACORTA)

SA estado niya sa showbiz bilang isang busy young actress, ewan ko lang kung makekeri ni Elisse Joson na ipagpatuloy ang pangarap niyang maging medical doctor like her mom.

Noong unang interview namin sa dalaga noong bago pa lang siya sa showbiz hanggang ngayon ay walang nagbago. She still dreams to be like her mom.

Mabuting huwaran ang katulad ni Elisse na kahit kumikita na bilang artista ay gusto pa ring makapagtapos ng pag-aaral.

Bukod sa pagdo-doktor na pangarap niya, she’s also into food and bar business.

“Sa sobrang busy, hindi ko masimulan ang pagde-design ng shop. Para useful ang space, ginawa po namin muna ito into a resto-bar para hindi masayang ang space,” sabi ng dalaga.

242

Related posts

Leave a Comment