BILANG NG ELECTORAL PROTEST TUMATAAS

james comelec12

(NI HARVEY PEREZ)

PATULOY na tumataas ang bilang ng mga kandidato na naghahain ng electoral protest sa Commission on Elections (Comelec),kaugnay sa natapos na mid -term elections noong Mayo 13.

Ayon kay Comelec spokesperspn James Jimenez, may limang electoral protest na ang nakahain ngayon sa ahensiya.

Ang protesta umano ay isinampa ng mga kandidatong natalo sa Taguig, San Juan, Leyte, Kalinga at sa Negros pero hindi tinukoy ni Jimenez ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Sinabi ni Jimenez na posibleng tumaas pa ang naturang bilang dahil hanggang nitong Biyernes ay may naghahain pa ng protesta sa naging resulta ng halalan sa kanilang lugar.

Nilinaw ni Jimenez na ang petisyon  para sa lokal na posisyon ay nasa hurisdiksyon ng poll body.

Habang ang mga electoral protest naman para sa municipal mayor at iba pang mababang posisyon ay nasa hurisdiksiyon ng Regional Trial Court.

Nasa hurisdiksiyon naman ng Senate Electoral Tribunal (SET) para sa Senador at sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) ang mga kinatawan.

Samantala, may nakasampa naman na 10 petisyon sa Comelec laban kay dating National Youth Commission (NYC) chair Ronald Cardema na kinukuwestiyon ang pagiging kinatawan ng Duterte Youth partylist.

 

368

Related posts

Leave a Comment