P40-M DROGA NAKUMPISKA SA NEGROS ISLAND REGION

NEGROS ORIENTAL – Kalaboso ang isang tinaguriang high value individual (HVI) na target ng buy-bust operation nitong Martes ng madaling araw sa lalawigan.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, alas-dose ng madaling araw, ikinasa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), at Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Negros Oriental Police Provincial Office (NORPPO) ang operasyon sa Purok 5, Brgy. Sto Niño, San Jose, Negros Oriental.

Kaagad namang naaresto ang suspek na tinaguriang high value individual ng Negros Island Region, kung saan nakumpiska ang anim na kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P40.8 milyon.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive of Dangerous Drugs Act of 2002.

(TOTO NABAJA)

40

Related posts

Leave a Comment