BANTA SA BUHAY NG PASIG RTC JUDGES IIMBESTIGAHAN NG SC

KINUMPIRMA ng Korte Suprema na nakatanggap ng online threats ang mga hukom ng Pasig Regional Trial Court nitong Miyerkoles ng umaga, Hulyo 16.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, ipinadala ang banta sa pamamagitan ng email at kasalukuyan na itong iniimbestigahan sa pakikipagtulungan ng mga awtoridad.

Agad ding ipinatupad ang mga kaukulang hakbang para sa seguridad ng mga hukom, court personnel at publiko.

Tiniyak ng Korte Suprema na mananatiling matatag ang hudikatura sa pagtupad ng tungkulin nang may integridad, katarungan, at paggalang sa batas.

Hinikayat din ng SC ang publiko na manatiling mapagmatyag at patuloy na suportahan ang hustisya sa bansa.

Sinasabing may kaugnayan sa kaso ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang natanggap na banta.

(JULIET PACOT)

29

Related posts

Leave a Comment