MARAMI nang napuntahang lugar ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at ngayon ang kanilang napiling pasyalan ay ang exotic Morocco.
Ito ay bansang nasa northern part ng Africa at bordering ito sa Atlantic Ocean at Mediterranean Sea. Ang capital nito ay Rabat, pero ang pinakamalaking city nito ay ang Casablanca, ang setting ng 1942 classic film na may ganoon ding pamagat.
Ipinost ni Kathryn sa kanyang Instagram account photos sa Chefchaouen (tinatawag na Morocco’s blue city) na may caption na, “Ahhhh, finally made it here after several layovers! This view makes it all worth it though” noong Huwebes, May 23.
Noong Biyernes, binisita naman nila ang Roman city ng Volubilis. “Visited a UNESCO World Heritage Site today. Amazed by this place and its rich history!” kwento ni Kathryn.
Hindi malinaw kung nasa Morocco sila para sa isang pelikula at kung hanggang kailan sila mananatili roon.
