NAGBENTA NG MOTOR, BUKING SA KIDNAPPING

INARESTO ng mga tauhan ng Plaza Miranda Sector 1 ng Sta. Cruz Police Station 3 ng Manila Police District, ang isang lalaki makaraang mabuking ang kaso nitong kidnapping for ransom, nang magwala ang suspek matapos tanggihan ng buyer ang ibinibenta nitong motorsiklo dahil sa sirang susian sa Sta. Cruz, Manila.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ian”, 28-anyos, tubong Bacolod City, walang permanenteng address, at may kasong kidnapping for ransom sa La Trinidad, Benguet.

Ayon sa ulat ni Police Major John Peter Fallar, ng Plaza Miranda Sector 1 ng Station 3, habang nagsasagawa ang mga awtoridad ng pagpapatrolya at clearing operation sa panulukan ng Gonzalo Puyat St. at Rizal Avenue sa Sta. Cruz, Manila nang humingi ng tulong ang isang concerned citizen dahil sa pagwawala umano ng isang lalaki.

Nabatid na nagwala umano ang suspek nang tumanggi ang buyer na bilhin ang ibinebenta nitong motorsiklo dahil sa sirang susian nito.

Mabilis namang nagresponde ang mga awtoridad at dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek kung saan nadiskubre ang kaso nitong kidnapping for ransom sa La Trinidad, Benguet.

(RENE CRISOSTOMO)

44

Related posts

Leave a Comment