Hindi sinipot ni Baste TORRE ‘WIN BY DEFAULT’

DINAGSA ng mga manonood ang boxing match sana nitong Linggo sa pagitan nina Davao City acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Philippine National Police chief, Gen. Nicolas Torre III.

Si Torre ay maagang dumating sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila kung saan marami rin ang kumagat sa anunsyo at nagtungo sa stadium upang manood.

Dahil hindi dumating si Duterte, itinuring na “win by default” ang laban ni Torre kontra kay Duterte, matapos hindi dumalo ang acting mayor sa “Boxing for a Cause” na nakatakda nitong Linggo sa Coliseum.

Ang “Boxing for Charity” event, na aabot sana sa 12 rounds ay layong makalikom ng pondo para sa komunidad na sinalanta ng nagdaang mga bagyo sa bansa.

Matatandaang hinamon ni Duterte ng suntukan si Torre na pinalagan naman ng heneral at sinabing magandang oportunidad ito upang matulungan ang mga biktima ng bagyo.

Pumayag naman si Duterte ngunit may mga kondisyong inilatag sa heneral at ito ay ang isailalim sa hair follicle drug test ang lahat ng mga kawani ng gobyerno. (JOCELYN DOMENDEN)

124

Related posts

Leave a Comment