IPINAKITA ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) ang mga nasamsam na vape products sa Manila International Container Port (MICP) nitong Huwebes, Hulyo 31, 2025.
Ang mga kargamento ay natuklasan ng mga tauhan ng (MICP CIIS) Customs Intelligence Investigation Services sa pamumuno ni CIIS Chief Alvin Enciso sa ilang kahon mula sa tatlong container.
Ang misdeclared vape products at iba pang regulated goods ay tinatayang nagkakahalaga ng PHP40.5 milyon. Nagmula umano ang mga ito sa China at idineklara bilang kitchenware.
198 