P1-B SHABU NASAMSAM SA WAREHOUSE SA MALABON

SHABU MALABON

(PHOTO BY JACOB REYES)

NASA isang bilyong pisong halaga ng shabu na may 146-kilo ang nasamsam ng pinagsanib na operasyan ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA),  Bureau of Customs (BOC), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang warehouse sa Malabon City kamakailan.

Sa isang  joint-operation na isinagawa noong nakaraang Huwebes (May 23), nadiskubre ng mga awtoridad na ang nasabing illegal drugs ay nasa loob ng 30 aluminum pallets na kung saan ang tonner bags ay naglalaman ng tapioca starch.

Ang bawat isang pallet ay may limang hollow bars na naka-cross sa frame nito, na kung saan ang tatlo hanggang apat na hollow bars per pallet ay naglalaman ng illegal drugs.

Naunang nakatanggap ng impormasyon ang Manila International Container Port (MICP) mula sa PDEA na ang shipment ng tapioca starch na naka-consigned sa Goroyam Trading, ay may lamang illegal drugs.

“We take all reports of alleged existence of drugs seriously. That is why we immediately reviewed the shipments that passed through MICP and even subsequent shipments which arrived at the Port after we received the intelligence report,” ayon kay MICP District Collector Atty. Erastus Sandino B. Austria.

Agad umanong inalam ng BOC ang nasabing shipment at isinailalim sa profile ang pinaghihinalaang drug importation na dumating sa bansa noong nakaraang Enero 27, 2019 mula sa Cambodia.

Ang kargamento ay idineklarang  51,000-kilo ng tapioca starch na exported ng HKSTC Trading Co. Ltd na nakalagay sa 3 units ng 20-footer container vans.

Kinumpiska ang naturang shipment noong nakaraang  March 1, 2019 matapos hindi  mag-file ng import entry sa Customs ang consignee nito

Sa kabila na napatunayan na ng pinagsanib na inspeksyon ng Customs at PDEA  na ang tatlong containers ay naglalaman ng illegal drugs, ang shipment ay pinayagan pa rin nila itong i-auction sa pag-asang may miyembro ng drug syndicates ang posibleng  lumutang at interesadong sumali sa bidding ng nasabing drug shipment.

Ang public auction ay isinagawa noong Abril 22, 2019 at ang nanalo sa bidding ng tatlong containers ng tapioca starch ay ang Goldwin Commercial.

Agad namang nagsagawa ng background check ang mga awtoridad sa nanalong bidder para alamin kung may koneksyon ito sa illegal drug syndicates.

Subalit lumabas na walang ebidensiya na nagpakita ng kaugnayan ng Goldwin sa anumang drug syndicate o smuggling activities.

Nang nakuha na ng Goldwin noong May 22, 2019 ang shipment ay nagsagawa na ng pinagsanib na operasyon ang mga awtoridad sa warehouse ng Goldwin Commercial sa Malabon at dito nadiskubre at  nakuha ang nakatagong drugs sa pallets.

“Customs is committed to strengthening its intelligence and enforcement capabilities. We have equipped our Customs officers with the proper tools to identify illegal drugs including the proper intelligence-sharing agreements with government authorities,” ayon kay BOC Commissioner Guerrero.

Sinabi naman ni PDEA Director Aaron N. Aquino, ang shipment ng illegal drugs ay konektado  sa kanilang naging operas­yon    sa Dasmariñas Cavite noong Pebrero 13  na kung saan nakakumpiska sila ng 36-kilo ng shabu na may katumbas na halagang P244 milyon at maging ang kanilang operasyon  sa Tanza Cavite noong Pebrero 3 na nakakumpiska rin ng 274-kilo ng shabu  na may katumbas na halagang P1.9 bilyon.

189

Related posts

Leave a Comment