GUSOT SA NAPOLCOM AT PNP NAPLANTSA NA

NARESOLBA na ang hindi pagkakaunawaan ng National Police Commission at Philippine National Police (PNP) kasunod ng ipinatupad na balasahan ng huli kamakailan.

Sa pahayag ni PNP chief Police General Nicolas Torre lll, nagkaroon na ng pag-uusap ang kanilang panig sa PNP at Napolcom.

Matatandaan na nagkaroon ng gusot ang PNP at Napolcom nang kontrahin nito ang pinakahuling balasahan na ipinatupad sa hanay ng pulisya.

Ani Torre, nagkaroon sila ng dayalogo sa loob ng organisasyon at pinlantsa ang mga kalituhan sa isyu.

Naniniwala siyang natuldukan na ang usapin at “moving forward” na sila sa iba pang mga usapin sa kanilang hanay.

Mananatili naman sa pwesto ang mga opisyal na sakop ng huling balasahan kasama na si PNP Deputy Chief for Administration Police LtGen Bernard Banac na bagong number 2 man ng PNP.

(TOTO NABAJA)

58

Related posts

Leave a Comment