STAFF NI PADILLA NAGBITIW; TSONGKE SESSION ITINANGGI

KINUMPIRMA ni Atty. Rudolf Jurado, chief of staff ni Senador Robin Padilla na tinanggap na nila ang resignation ni Political affairs officer VI Nadia Montenegro sa gitna ng alegasyon ng paggamit niya ng marijuana.

Ayon kay Jurado, isinumite ang resignation letter, Lunes ng umaga kasama ang written explanation.

Sa written explanation ni Montenegro, itinanggi nitong gumamit siya ng marijuana.

Sa incident report, lumabas na noong Hulyo at Agosto 12, 2025, may naamoy na kahalintulad ng marijuana sa comfort room.

Inamin niyang gumamit siya ng PWD comfort room at hindi ladies’ comfort room na tinukoy, at dala lamang niya noon ay vape na grape-flavored.

Binatikos ni Montenegro ang pagkalat ng incident report sa media na nagdulot ng kahihiyan, masamang opinyon ng publiko, at pangungutya sa kanyang pamilya.

Gayunpaman, nilinaw niya na nagbitiw siya sa pwesto para mapangalagaan ang kanyang mental health at pagpapakita ng respeto sa Senado at kay Padilla para hindi na aniya lumaki ang isyu.

Nagpasalamat naman si Montenegro sa senador, sa mga sumuporta at nagbigay sa kanya ng pagkakataong maipaliwanag ang kanyang panig.

(DANG SAMSON-GARCIA)

32

Related posts

Leave a Comment