Ang Bureau of Customs (BOC) ang isa sa mga tanggapan ng gobyerno na inaasahang magbibigay ng malaking ambag para panustos sa build, build, build program ng pamahalaang Duterte.
Kaya naman, patuloy ang pagsisikap ng ahensya na maabot o kaya’y malagpasan ang kanilang target collection.
Una nang napaulat na patuloy na naabot o nalalagpasan pa ang kani-kanilang monthly collection target ng bawat port sa buong bansa.
Tulad ng Bureau of Customs-Legazpi Collection District ay patuloy na nalalagpasan ang kanilang revenue mula Enero hanggang Abril ng taong kasalukuyan.
Ang kanilang koleksyon na may kabuuang P285,366,152.39 kung ikukumpara sa nakaraan sa kanilang revenue target na P214,470,000.00 ay lumagpas ng P70,896,152.39 o katumbas ng 33.06%.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na kailangan ng gobyerno na makalikom ng pondo para sa build, build, build program kabilang na rito ang suweldo para sa mga guro, mga kagamitan sa national defense, at iba pang gastusin upang makamit ang komportableng buhay para sa mga Filipino. (JOEL O. AMONGO)
