BUCOR CHIEF PINARANGALAN

GINAWARAN si Bureau of Corrections Director Gregorio Pio P. Catapang Jr. ng Modern Hero of Integrity and Service Award sa Asia’s Golden Icon Awards na ginanap sa Okada Manila, Pasay City.

Kinilala ng board of judges, na kinabibilangan ng mga kinatawan mula PCCI, PEZA, at Kongreso, ang kanyang kontribusyon sa pagpapatupad ng reporma at integridad sa BuCor.

Inialay ni Catapang ang parangal sa mga kawani ng BuCor at sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs), na aniya’y nagbibigay ng pag-asa at pagkakataon para sa tunay na rehabilitasyon.

“This award… serves as a beacon of hope for thousands of PDLs who seek transformation,” pahayag ni Catapang. (Danny Bacolod)

209

Related posts

Leave a Comment