BINATA TIMBOG SA BARIL AT GRANADA

ARESTADO ang isang 39-anyos na binata makaraang makumpiskahan ng .45 kalibreng baril at granada na nakatago sa kanyang belt bag, sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng mga tauhan ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, nitong Huwebes ng madaling araw sa Barangay 649, Port Area, Manila.

Kinilala ang suspek na si alyas “Aliman”, tubong Cotabato City, at residente ng Tambacan, Baseco, Brgy. 649, Port Area.

Ayon sa ulat nina Patrolman Lemuel Bill Montino at Patrolman Ron-Ron Pestaño kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, station commander, bandang alas-4:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente.

Napag-alaman, napansin ng mga awtoridad na balisa ang suspek kaya nilapitan nila ito at kinapkanan.

Nang buksan nila ang dalang belt bag ng suspek ay nadiskubre rito ang isang .45 kalibreng baril at granada.

(RENE CRISOSTOMO)

123

Related posts

Leave a Comment