REKLAMO KAY REMULLA SA OMB BINASURA?

POSIBLENG si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang susunod na uupo sa trono ng Office of the Ombudsman.

Kasunod ito ng kumpirmasyon na “clear” at malinis na ang pangalan ni Remulla sa kasong isinampa ni Senator Imee Marcos na may kinalaman sa pagpapaaresto kay dating Pangulong Rodrigo R. Duterte ng International Criminal Court (ICC).

Kinumpirma mismo ito ni Sec. Remulla na ibinasura na ng Office  Ombudsman ang reklamo sa kanya ni Senator Marcos.

Nag-ugat ang kaso matapos lumabas sa resulta ng pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations na may naging paglabag umano sa naging pagpapaaresto sa dating pangulo.

Dahil dito, inireklamo si Remulla ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of public service.

Isa si Remulla sa naghain ng aplikasyon sa pagka-Ombudsman matapos magretiro si dating Ombudsman Samuel Martires noong July 27.

Pero una nang sinabi ng Korte Suprema na kailangang magkaroon muna ng clearance ng mga aplikante para maging kwalipikado sa pagpipilian ng Pangulo bilang susunod na Ombudsman.

(JULIET PACOT)

242

Related posts

Leave a Comment