PAGBAWAL NG BUS SA EDSA, IDUDULOG SA SUPREME COURT NG BAYAN MUNA

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Sinabi ni Bayan Muna Chairman  at Bayan Muna Party-list Representative Neri Colmenares na maghahain ito ng interbensyon sa Korte Suprema hinggil sa nakaambang pagbabawal ng mga bus sa EDSA ng Metro Manila Development Authority o MMDA.

Ilang buwan na ang lumipas noong sinabi ng Bayan Muna na kailangang repa­suhin ang balak na centralized bus terminal para umano sa pag-ampat ng trapiko sa Metro Manila, dahil sa magiging epekto nito sa libu-libong komyuter. Gayundin, hindi ito ang lulutas sa matinding trapik sa sentrong lungsod. Subalit, hindi ito sinasagot ng pamahalaan hanggang kasalukuyan.

Balak ilipat ng MMDA ang lahat ng bus na mula sa Central Luzon–Pampanga, Bulacan, Bataan, at Tarlac – tungo o sa Valenzuela City. Ang mga nanggagaling naman sa Southern Tagalog, Bicol, at iba pang probinsya sa timog ay magsasakay at magbababa sa Parañaque at sa Sta. Rosa sa Laguna.

Tunay na malaki ang epekto ng ganitong pagpapalit ng iskema sa bus transport lalo na sa mga komyuter. Ang depektibong plano na ito ng MMDA ay hindi lulutas sa malaking problema natin sa trapiko. Ang bayan ng Valenzuela ay higit na mas makitid, at madalas nagkakaroon ng traffic jams dahil sa dami ng sasakyan. Kung ang lahat ng bus mula sa apat na pro­binsya ay i-embudo sa binabalak na Valenzuela Central Terminal, kailangan pa rin ng ibang bus na maghahatid sa mga pasahero mula roon tungo sa iba pang lugar sa Kamaynilaan.

Ang matinding trapik sa Maynila na nakaugat sa kakapusan sa pag-unlad sa ating mga probinsya, dahilan ng paglipat ng marami nating kababayan tungo sa Maynila. Dagdag pa rito ang palpak at kulang na mass transport system. Sa huli’t huli, ta­nging pambansang industriya­lisasyon ang magreresolba ng mabigat na trapiko sa a­ting sentrong lungsod. Ngunit, para sa kasalukuyan, maaaring pagtuunan muna ng pansin ng MMDA ang mahigpit na pagpapatupad sa mga regulasyon sa mga terminal at bus. (Kakampi Mo ang Bayan /  TEDDY CASIÑO)

135

Related posts

Leave a Comment