MGA DATING NPA NA APEKTADO NG MAYON ASHFALL PINATUTULUNGAN

“MY instruction to OPAPRU is to check on the situation of the former rebel communities we are assisting in Bicol in light of the eruption of Mayon Volcano, and to ensure that appropriate support is provided as needed.” Ito ang inihayag ni Presidential Peace Adviser Mel Senen Sarmiento matapos na ipinag-utos ang mahigpit na koordinasyon sa Department of Social Welfare and Development at local government units na tumulong sa mga dating rebelde na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon. Inatasan ni Presidential Peace Adviser Mel Senen Sarmiento ang Office of…

Read More

US CITIZENS PINAIIWAS SA PRESENSYA NG NPA

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS NAGBABALA ang United States Embassy sa Manila sa kanilang mamamayan na umiwas sa ilang lugar sa Pilipinas na may presensya ng communist New People’s Army (NPA). Ayon sa embahada, partikular na pinaiiwas ang mga Amerikano sa mga bulubunduking lugar sa Leyte, Mindoro, Negros, at Samar na pinaniniwalaang mga lugar na pinagkakanlungan ng nalalabing mga kasapi ng communist terrorist group. Kamakailan ay idineklarang areas of heightened concern at target ng focus military operation ng military ang nasabing mga lugar, para masimot ang nalalabing mga kasapi…

Read More

MAY MALI SA PAGDADALA NI MENDOZA SA BIR BOX SA IMPEACHMENT?

PUNA ni JOEL O. AMONGO SINABI ni dating Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na may mali sa ginawang pagdadala ni Commissioner Charlito Martin Mendoza ng BIR box na naglalaman ng tax records ng mag-asawang Vice President Inday Sara Duterte at Atty. Mans Carpio, sa House Committee on Justice sa Kamara kamakailan. Sa panayam kay Atty. Henares ng radio DWIZ, sinabi nitong maaaring may kaharaping problema sa usaping legal si BIR Commissioner Mendoza sa kanyang pagdadala ng BIR box sa Kamara. Aniya, bagama’t napagkaisahan ng mga miyembro ng…

Read More

KAKAMPINK ITUTUMBA NG NBI CHIEF?

Syanong Detektib ni LUCIO S. PAPA NILALANGGAM sa social media ang umano’y audio recording ng pagtatalo sa pagitan ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag at isang certified Kakampink na kinilala sa pangalang Mel Sabio. Dangan naman kasi, sadyang makapanindig-balahibo ang maririnig sa audio recording — ang pagbabanta sa buhay ni Sabio. Nag-ugat ang pagtatalo sa pagitan nina Sabio at lalaking tinukoy sa Facebook post na si Matibag, sa mga patutsada kaugnay ng isyu sa kontrata ng kuryente sa San Pedro, Laguna. Paulit-ulit kong pinakinggan ang audio recording.…

Read More

P61.2-M SHABU NASAMSAM, TARGET NA 4 HVIs ARESTADO

HUMIGIT-KUMULANG sa siyam na kilo ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa inilunsad na joint anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang Philippine National Police (PNP), sa Brgy. Bacao 1, General Trias, Cavite noong Linggo ng hapon. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, apat na hinihinalang mga kasapi ng bigtime drug syndicate ang naaresto sa pinagsanib na anti-drug operation na isinagawa sa pangunguna ng PDEA Regional Office – NCR Northern District Office, katuwang ang PDEA RO-NCR Regional Special Enforcement Team…

Read More

BAGONG PGH PLANONG ITAYO SA CAVITE

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong sa General Trias, kasabay ng paglalatag ng plano para sa bagong ospital ng Philippine General Hospital sa lalawigan. Sa “Bawat Bayan Makikinabang” event, sinabi ng Pangulo na layunin ng financial assistance at rice aid na matulungan ang mga komunidad sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis at bilihin. Sa ilalim ng programa, bibigyan ng pondo ang mga lokal na pamahalaan mula sa Local Government Support Fund kapalit ng pamamahagi ng bigas sa mga residente. “Bawat dalawang buwan may…

Read More

BOC: P86.4-B APRIL COLLECTION, PINAKAMATAAS SA KASAYSAYAN

IPINAGMALAKI ng Bureau of Customs (BOC) ang record-breaking collection nitong Abril 2026 na umabot sa ₱86.4 bilyon—lampas ng ₱7.8 bilyon sa itinakdang target. Ayon sa paunang datos, mas mataas ito ng 15.7% o ₱11.699 bilyon kumpara sa koleksyon noong Abril 2025. Sa kabuuan, umabot na sa ₱325.808 bilyon ang koleksyon ng BOC mula Enero hanggang Abril, na lumagpas ng ₱11.148 bilyon sa target na ₱314.660 bilyon—katumbas ng 6.4% na paglago kumpara sa nakaraang taon. Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, patunay ito ng matatag na performance ng ahensya sa kabila…

Read More

DE LIMA: ISANG CONVICTION LANG, VP SARA TANGGAL SA PWESTO

KUMPIYANSA si Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima na sapat na ang apat na Articles of Impeachment upang mapatalsik at tuluyang madiskwalipika sa public service si Vice President Sara Duterte. Ayon kay Rep. De Lima, na isa sa mga endorser ng reklamo, pinagsama-sama ang mga kaso sa apat na artikulo upang maging mas malinaw at diretso ang presentasyon ng ebidensya kapag umakyat na ito sa Senado. “Kinondense na lang lahat para mas malinaw… para mas coherent, ‘yung mga similar grounds ay kinonsolidate na lang into one,” paliwanag ni Rep.…

Read More

LOAN RELIEF ISINUSULONG NI VILLAR; PINALALAKAS SUPORTA NG SSS AT GSIS

ISINUSULONG ni Sen. Mark Villar ang paglikha ng mas sistematikong loan relief para sa mga manggagawang Pilipino at maliliit na negosyo sa gitna ng epekto ng krisis sa langis. Sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 366 at ng panukalang “RELIEF Act” (Senate Bill No. 2032), nananawagan ang senador sa mga government financial institution na magpatupad ng loan moratorium, grace period, at condonation ng penalties upang mabigyan ng “financial breathing room” ang mga apektadong sektor. Sa isang pagdinig, kinilala ni Villar ang mga inisyatiba ng Government Service Insurance System (GSIS) ngunit…

Read More