UMABOT na sa halos 95,000 katao o 13,967 pamilya ang nasa evacuation centers matapos ang pananalasa ng mga bagyong Mirasol, Nando at Opong.
Nagbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng kumalat ang leptospirosis, dengue at diarrhea kung hindi mapapanatiling malinis ang paligid.
Paalala ng DOH: itapon nang tama ang basura, gumamit ng sariling kubyertos, at agad i-report kung puno na ang basurahan.
Para sa mga nais mag-donate, kailangan ang inuming tubig, ready-to-eat food, hygiene kits, malinis na damit, kumot, diapers, face masks, flashlight at basic medicines.
Dagdag ng DOH, ang kalinisan at maayos na pamamahagi ng tulong ang proteksyon ng bawat evacuee at ng buong komunidad.
Bawal ang sigarilyo at vape
Nagpaalala rin ang DOH na mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo at paggamit ng vape sa loob ng evacuation centers.
Giit ng ahensya, mapanganib ang second-hand smoke at vape lalo na sa mga bata at may sakit, kaya’t lahat ng evacuation sites ay smoke-free zones.
Hinimok din ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng mahigpit na monitoring upang mapanatiling ligtas at malinis ang kapaligiran ng evacuees.
(JULIET PACOT)
267 