2 TULAK TIMBOG SA P.8-M SHABU

CAVITE – Tinatayang mahigit sa 130 gramo ng hinihinalang shabu o katumbas ng P884,680 halaga ang nasamsam sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation at pagkaaresto sa dalawang high value individual (HVI) sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa ulat. bandang alas-5:30 ng hapon nang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Dasmariñas Component City Police Station sa Excess Lot, Phase 4, Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “Inday”.

Nakuha kay Inday ang tinatayang 80.10 gramo ng shabu na may standard drug price na P544,680.00, isang itim na bag at TIN ID.

Makaraan lamang ang ilang oras, bandang alas-11:00 ng gabi nang muling magsagawa ng buy-bust operation ang nasabi ring mga operatiba sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “Be” at nasamsam ang tinatayang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P340,000.00 at buy-bust money.

Ang dalawa ay kapwa nasa listahan ng high value individuals (HVIs) ng pulisya.

(SIGFRED ADSUARA)

37

Related posts

Leave a Comment