GUTEZA HINDI NA NAGPAKITA, ISU-SUBPOENA NG DOJ

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na pinag-aaralan nilang padalhan ng subpoena si Orly Guteza, na nagpakilalang dating security aide ni nag-resign na Cong. Zaldy Co.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, kailangan nilang malinawan ang mga pahayag ni Guteza sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong nakaraang linggo.

Sa nasabing hearing, inakusahan ni Guteza sina Co at dating House Speaker Martin Romualdez na umano’y tumanggap ng kickbacks mula sa flood control projects.

Dagdag pa ni Remulla, kapag nakumpirma na ang tamang address ni Guteza, agad na aatasan ang National Bureau of Investigation (NBI) para magsilbi ng subpoena laban sa kanya.

(JULIET PACOT)

230

Related posts

Leave a Comment