AKTIBONG PULIS HINULI NG IMEG SA PAGSUSUGAL SA NEGROS ORIENTAL

KALABOSO ang isang aktibong pulis na may ranggong Patrolman matapos maaktuhan ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na nagsusugal ng “Hantak” o cara y cruz sa Bayawan City, Negros Oriental noong Oktubre 5.

Kasama ng pulis, inaresto rin ang isang sibilyan sa isinagawang operasyon ng IMEG Visayas Field Unit sa Purok Nalundan, Barangay Dawis.

Ayon sa IMEG, nagsimula ang operasyon matapos silang makatanggap ng reklamo hinggil sa presensiya ng pulis na sangkot sa ilegal na sugal. Nakumpiska mula sa suspek ang kanyang service firearm, police ID, at marked money na ginamit sa entrapment.

Ayon kay IMEG Director PBGEN Bonard Briton, nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Presidential Decree 1602 o illegal gambling, habang may administratibong kaso rin na isasampa laban sa naarestong pulis.

(TOTO NABAJA)

12

Related posts

Leave a Comment