SISIMULAN na ng Commission on Elections ang pag-imprenta ng Official Ballots and Accountable Forms na gagamitin sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections (BSKE).
Sa inilabas na abiso ng Comelec, inabisuhan ng ahensya ang lahat ng kaugnay na stakeholders, kabilang ang political parties, citizen’s arms at media organizations hinggil sa nasabing aktibidad.
Mangyayari ito ngayong Lunes, Oktubre 13, 2025 dakong ala-1:00 ng hapon sa National Printing Office (NPO) sa EDSA cor. NIA North Road, Diliman, Quezon City.
Samantala, muling magsasagawa ng voter registration para sa BSKE sa Oktubre 21, 2025 hanggang May 8, 2026.
(JOCELYN DOMENDEN)
65
