HOUSEHOLD HAZARDOUS WASTE COLLECTION SA MAYNILA, SISIMULAN SA ABRIL 28

SISIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pag-iikot para kolektahin ang household hazardous waste sa mga kabahayan simula Martes, Abril 28.

Sa pangunguna ng Department of Environment and Public Services (DEPS), layunin ng programa na maiwasan ang panganib sa kalusugan at kapaligiran, at matiyak ang tamang disposal ng mapanganib na basura.

Babala ng DEPS sa publiko: huwag basta-basta itapon ang hazardous waste upang maiwasan ang sakit, polusyon, at posibleng sakuna.

Kabilang sa mga kokolektahin ang lumang baterya, leftover na pintura at kemikal, sirang ilaw at fluorescent lamps, electronic waste gaya ng sirang gadgets, at mga kontaminadong lalagyan.

Saklaw ng unang round ng koleksyon ang Barangay 128 (District 1), Barangay 199 (District 2), Barangay 377 (District 3), Barangay 545 (District 4), Barangay 737 (District 5), at Barangay 830 (District 6).

Nanawagan ang lungsod sa mga residente na makiisa upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko at mapanatili ang kalinisan ng komunidad.

(JOCELYN DOMENDEN)

94

Related posts

Leave a Comment