MOTORCYCLE TAXI GROUP NANAWAGAN NG PROTEKSYON SA KABUHAYAN SA PANUKALANG MOTO-TAXI BILL

MANILA — Nanawagan ang Motorcycle Taxi Community Philippines sa Kongreso na tiyaking prayoridad ang proteksyon sa kabuhayan ng mga rider sa isinusulong na motorcycle taxi bill.

Sa pahayag, nagpasalamat si Chairman Romeo Maglunsod sa pamahalaan para sa ₱5,000 ayuda sa mga rider na apektado ng mataas na presyo ng langis.

Gayunman, sinabi ng grupo na pansamantala lamang ang naturang tulong at iginiit ang pangangailangan ng pangmatagalang solusyon upang matiyak ang disenteng kabuhayan ng mga rider.

Binigyang-diin ni Maglunsod na dapat nakabatay ang anumang batas sa prinsipyo ng gig economy, kung saan may kalayaan ang mga rider na pumili ng platform at pamahalaan ang kanilang oras sa trabaho.

Iminungkahi rin ng grupo na direktang ibigay sa mga rider ang prangkisa o akreditasyon, sa halip na ipaloob ito sa mga platform, upang masiguro ang kanilang kontrol sa kabuhayan.

Iginiit ng grupo ang agarang pagpasa ng motorcycle taxi bill matapos ang halos isang dekadang pilot study sa operasyon ng motorcycle taxi sa bansa.

(Danny Bacolod)

103

Related posts

Leave a Comment