LALONG umigting ang panawagan ng mga mambabatas na isapubliko ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang kanilang pagdinig kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects, matapos ang ulat na nagwala umano si Sen. Mark Villar sa isang closed-door hearing.
Hamon nina Rep. Mark Anthony Santos at Rep. Leila de Lima, sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na isapubliko ang imbestigasyon nito sa mga anomalya sa flood control projects.
Ayon kay Santos, “Dapat transparent ang ICI. Pera ng taumbayan ang pinag-uusapan, kaya may karapatan ang publiko na malaman ang katotohanan.”
Dismayado naman si De Lima sa pagtanggi ng ICI na isapubliko ang pagdinig.
“Kung talagang independent sila, dapat bukas at malinaw ang proseso. Hindi puwedeng parang may tinatago,” giit ng kongresista.
(BERNARD TAGUINOD)
116
