QUEZON – Namatay ang isang 50-anyos na magsasaka matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang truck sa Maharlika Highway, Barangay Poblacion, sa bayan ng Candelaria sa lalawigan bandang alas-11:55 ng gabi noong Linggo, Oktubre 12.
Kinilala ng pulisya ang biktima sa pangalang “Emman”, residente ng Barangay Masin Norte, Candelaria.
Ayon sa ulat, minamaneho nito ang isang TMX motorcycle nang makasalpukan ang isang wing van truck na minamaneho naman ng isang nagngangalang “Herson”, 33-anyos, residente ng Tanauan City, Batangas.
Batay sa imbestigasyon, nasa gitna ng pag-overtake ang truck sa isa pang sasakyan nang mangyari ang head-on collision.
Dahil sa lakas ng banggaan, matinding napinsala sa ulo at katawan si Emman na agad na binawian ng buhay.
Ikinustodiya ng Candelaria Police ang driver ng truck habang patuloy pa ring iniimbestigahan ang insidente.
(NILOU DEL CARMEN)
72
