SPECIAL REGISTRATION NAIS PALAWAKIN NG COMELEC

NAIS ng Commission on Elections (Comelec) na palawakin pa ang pagsasagawa ng Special Registration Anywhere Anytime Program nito o SRAP.

Kasabay nito, nanawagan si Comelec Chairman George Garcia sa local offices nito na ipatupad ito dahil awtorisado naman aniya na magsagawa ng kanilang SRAP.

Payo ni Garcia sa local offices ng komisyon, huwag sa malls gawin ang nasabing programa.

Maaari rin aniyang subukang magsagawa ng SRAP sa mga unibersidad mismo.

Nangako naman si Garcia na ipapaskil nila sa kanilang social media pages ang schedules ng kanilang SRAP para ma-monitor ng publiko kung nasaan ang mga ito at mabigyan ng pagkakataon ang taumbayan na mapuntahan at makibahagi sa naturang aktibidad.

(JOCELYN DOMENDEN)

17

Related posts

Leave a Comment