SENADO MATAAS ANG RATING; SOTTO MANANATILING SP

tito sotto

(NI NOEL ABUEL)

MASAYA ang halos lahat ng senador sa pamumuno ni Senate President Vicente Sotto III kung kaya’t mananatili ito sa kanyang posisyon.

Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson kung saan iginiit nito na nang maupo si Sotto bilang Senate president ay tumaas ang rating ng Senado at nagkasundo umano ang maraming senador na masaya sa liderato nito.

“Tumaas nga ang antas ng approval at trust eh, rating ng Senado, 74%, 72% sa kanya 74% percent sa institution. So wala kaming reason para palitan ang liderato,” sabi pa ni Lacson.

Idinagdag pa ni Lacson na nag-draft ito ng resolusyon upang magkaalaman sa mga kasamahan nito kung sino sa mga ito ang alanganin sa liderato ni Sotto.

Mayroon pa umanong oras ang mga ito o bago dumating ang Hulyo 22 o pagsapit ng pagbubukas ng 18th Congress para baguhin ang nilalaman ng nasabing resolusyon.

Samantala, sa agawan sa committee chairmanship, ipinarating ni Lacson sa mga baguhang senador na dapat mag-isip nang husto bago pa tanggapin ang nais ng mga itong komite.

“Baka akala nila napakadali mag-chair ng committee. Pag ni-refer sa iyo mga bills at resolutions magtatrabaho ka riyan at hindi biro-biro i-interpellate ka riyan kasi ikaw magiging sponsor ng bill. Hindi biro-biro ma-interpellate lalo kung kaharap mo sina Senate minority leader Franklin Drilon, mag-aaral ka talaga. Hindi ganoon kasimple. Madaling sabihin ako chair nito ako chair noon pero teka muna,” paliwanag ni Lacson.

404

Related posts

Leave a Comment