PNP magpapakalat ng higit 10K tauhan: 3-DAY ACCOUNTABILITY RALLY NG INC KASADO NA

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kahandaan para sa tatlong araw na accountability at transparency rally ng Iglesia ni Cristo (INC) na gaganapin sa Rizal Park sa Maynila.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuano, mahigit 10,000 pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ipakakalat sa buong paligid ng Luneta sa Nobyembre 16, 17, at 18 upang matiyak ang mapayapa at maayos na daloy ng pagtitipon.

Bilang bahagi ng seguridad, itataas din ng NCRPO ang alert status habang nakabantay sa anomang posibleng pagbabago sa sitwasyon sa mga susunod na araw.

Tinatayang aabot sa 300,000 katao ang inaasahang dadalo sa naturang rally.

Dagdag ni Tuano, nakatakda ring makipagdayalogo ang PNP sa pamunuan ng INC upang masiguro ang maayos na koordinasyon at kaligtasan ng lahat ng lalahok.

(TOTO NABAJA)

150

Related posts

Leave a Comment