PATAY NA SANGGOL ITINAPON SA ILALIM NG TULAY

QUEZON – Isang bangkay ng sanggol na lalaki ang natagpuan sa ilalim ng tulay sa Barangay Bukal Sur, sa bayan ng Candelaria sa lalawigan noong Martes ng umaga.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:00 ng umaga nang madiskubre ng isang residente ang patay na sanggol sa ilalim ng Bukal Sur Bridge sa bahagi ng Bypass Road.

Sa isinagawang pagsusuri ng mga tauhan ng pulisya kasama ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), napag-alamang bagong silang ang sanggol, tinatayang isang araw pa lang dahil nakadugtong pa ang umbilical cord sa katawan.

Pinaniniwalaang itinapon ang sanggol ng kanyang mga magulang.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung sino ang nagtapon ng nasabing patay na sanggol.

(NILOU DEL CARMEN)

16

Related posts

Leave a Comment