NAHAHARAP sa kasong adultery ang isang 20-anyos na babae at ang 20-anyos ding lover nito matapos maaktuhan ng mister ng ginang habang magkapiling at ipinahuli sa mga pulis sa San Mateo, Rizal noong Sabado ng gabi.
Ayon sa imbestigasyon ng San Mateo Police Station, palihim na sinundan ng 22-anyos na mister ang kanyang asawa hanggang sa Freedom Park sa Barangay Guitnang Bayan I, kung saan umano nito naaktuhang magkasama ang dalawa sa isang ‘intimate’ na sitwasyon.
Dahil dito, hinarap ng complainant ang dalawa na nauwi sa suntukan bago nagresponde ang mga pulis.
Inaresto ang magka-love affair at ipinaalam sa kanila ang kanilang mga karapatan bago isinailalim sa medico legal examination.
Dinala sila sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.
Patuloy namang pinoproseso ng mga awtoridad ang reklamong adultery laban sa dalawang suspek.
(NILOU DEL CARMEN)
79 