SEGURIDAD NG IMPEACHMENT TRIAL NI VP SARA NAKALATAG NA

PLANTSADO na ng Philippine National Police (PNP) ang security preparations para sa pagbubukas ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Lunes sa Senado.

Bago ang pagsisimula ng paglilitis, nagsagawa ng security inspection ang Senate Sergeant-at-Arms at PNP sa buong Senate complex bilang bahagi ng inilatag na security blanket.

Pinangunahan ang inspeksyon nina Senate Sergeant-at-Arms at retired Police Major General Alfred Sotto Corpuz kasama ang mga opisyal ng PNP Police Security and Protection Group (PSPG).

Nagdeploy na rin ang PNP ng karagdagang mga pulis sa paligid ng Senado upang matiyak ang seguridad at kaayusan habang isinasagawa ang impeachment proceedings.

Magsisimula ang impeachment trial alas-2:00 ng hapon ngayong Lunes, Hulyo 6, at isasagawa tuwing Lunes hanggang Miyerkoles bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 27.

Una nang inihayag ng PNP ang deployment ng humigit-kumulang 6,000 pulis para sa seguridad sa Senado.

Ayon kay PNP spokesperson P/Col. Allen Rae Co, nakalatag na ang comprehensive security plan habang nagpapatuloy ang intelligence monitoring laban sa anumang banta.

“Itong mismong hapon na ito, the PNP will be conducting a final coordinating conference among all units for the final preparation sa ating security plan,” ani Co.

(JESSE RUIZ)

105

Related posts

Leave a Comment