TINUTUGIS ng pulisya ang suspek sa pamamaril sa dalawang kalalakihan sa Noveleta, Cavite Sabado ng gabi.
Kapwa nilalapatan ng lunas sa magkahiwalay na ospital ang mga biktimang si alyas “Sebidio”, 40, at alyas “Prince”, 25, dahil sa tama ng bala sa katawan mula sa pamamaril ng suspek na si alyas “Jeric”.
Ayon sa ulat Noveleta Police Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa 911 hinggil sa nangyaring pamamaril sa Brgy. Sta Rosa 1, Noveleta, Cavite bandang alas-11:47 ng gabi.
Mabilis na nagresponde ang pulisya at naabutan ang mga biktimang may tama ng bala ng baril. Si Sebidio ay may dalawang tama sa katawan habang may isang tama naman si Prince.
Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.
Samantala, nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV hinggil sa pagkakakilanlan ng suspek.
(SIGFRED ADSUARA)
89 