MARCOS: PASSPORT NI ZALDY CO KAKANSELAHIN ‘PAG MAY KASO NA

NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na agad niyang ipag-uutos ang pagkansela sa pasaporte ni dating Ako Bicol Rep. Elizaldy “Zaldy” Co sa oras na pormal nang maisampa ang mga kasong kriminal laban dito kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects.

Sa press conference sa Presidential Broadcast Studio sa Kalayaan Hall, Malacañang, nitong Huwebes, Nobyembre 13, tinanong ang Pangulo kung kakanselahin ba agad ang pasaporte ni Co o pipilitin itong bumalik sa bansa para harapin ang mga kaso.

“I think that is best directed at lawyers because that is a legal answer. The legal answer is because hindi pa nasampahan ng kaso, therefore the request for cancellation of passport cannot yet be made,” paliwanag ni Marcos.

“However, when the time comes, we will immediately cancel his passport,” dagdag ng Pangulo.

Tiniyak din ni Marcos na isinasapinal pa ng government lawyers ang mga kaso at inaasahan niyang makukulong ang mga responsable sa kontrobersyal na proyekto.

(CHRISTIAN DALE)

140

Related posts

Leave a Comment