ITINAAS sa ikatlong alarma ang sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila nitong Lunes.
Ayon sa mga residente sa lugar, bahagi ng Inocencio at Trinidad St. na sakop ng Barangay 91 at 93, ang natupok na mga kabahayan.
Ayon sa inisyal na impormasyon, bago alas-11 ng umaga nang sumiklab ang sunog.
Ilang mga residente ang tumulong sa mga bumbero na apulahin ang sunog at sa Ilog o estero na kumukuha ng tubig na pambuhos.
Kanya-kanya namang hakot ng gamit ang mga residente upang hindi madamay sa sunog.
(JOCELYN DOMENDEN)
85
