ULAT NA MAS LIGTAS ANG VAPE, FAKE NEWS – DOH

TINAWAG na fake news ng Department of Health (DOH) ang kumalat na impormasyon na mas ligtas ang vape kaysa paghithit ng sigarilyo.

Nagbabala ang kagawaran na huwag maniwala sa mga propaganda pabor sa vape dahil pareho lamang ang epekto nito sa kalusugan.

Paalala ng DOH, huwag magpaloko sa sinasabing marketing strategy ng vape at iba pang novel nicotine products.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, walang katotohanan na mas ligtas ang vape kaysa sigarilyo.

Sinabi pa ng kalihim, pinaiigting ng kanyang tanggapan ang mga inisyatibo para protektahan ang mga Filipino at mananatili ang kampanya laban sa “yosi kadiri.”

Tahasan din nitong sinalungat ang kampanya ng mga negosyante na mas ligtas ang vape kumpara sa yosi dahil parehong mapanganib sa kalusugan ang mga ito.

Patuloy na pinalalakas ang mga programa para matulungan ang mga Filipino na matuldukan ang kanilang mga bisyo na ang magbebenepisyo ay ang kanilang kalusugan.

Paalala ng DOH, bukas ang DOH Quitline 1558 para sa libre at propesyonal na tulong, gayundin ang cessation service sa mga health center at DOH hospitals.

(JULIET PACOT)

98

Related posts

Leave a Comment