BUSINESS AS USUAL: PALASYO DEDMA SA VIDEO NI ZALDY CO

BUSINESS AS USUAL si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahit sunod-sunod ang video ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co na idinadawit siya sa umano’y budget insertion.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, hindi papatol ang Pangulo sa mga ibinabato ni Co na una na rin niyang tinawag na purong propaganda. Giit ni Castro, walang mangyayari sa bansa kung magpapaistorbo ang Chief Executive sa ganitong klase ng paninira.

Patunay umano nito, dumalo pa ang Pangulo sa Philippine Chairship event ng ASEAN nitong Biyernes ng gabi—ilang oras matapos ipalabas ni Co ang panibagong video.

Sa kabila ng kontrobersya, patuloy pa rin ang Presidente sa pagtutok sa mga kaganapan sa bansa. Kinumpirma ng Palasyo na nakamonitor din ang Pangulo sa ginaganap na peace rally ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Ayon kay Castro, mahalaga ring marinig ng Pangulo ang hinaing at mensaheng inihahayag ng INC sa kanilang pagtitipon.

(CHRISTIAN DALE)

110

Related posts

Leave a Comment