CAPIZ – Binuwag ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang natunton na hinihinalang drug den sa isinagawang anti narcotics operation sa Rizal St., Jumbo Bridge, Brgy. 7, Roxas City sa lalawigan.
Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Usec. Isagani Neres, naglunsad ng buy-bust operation ang mga Drug Enforcement Officers (DEOs) mula sa PDEA Antique, PDEA Capiz, PDEA Aklan at Capiz PPO-PDEU, na nagresulta sa pag-dismantle sa isang drug den at pag-aresto sa apat na high-value targets (HVTs) noong Linggo sa Barangay 7, Roxas City.
Nakumpiska sa operasyon ang tinatayang 15 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang humigit-kumulang P135,000.00.
Kabilang sa nakumpiskang mga ebidensya ang ilang sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money, lighters, aluminum foil strips, gunting, isang pouch, sling bag, at isang pulang Vivo cellphone.
Arestado sa naturang drug den operation sina alyas “Dodong,” 45; “Nik2,” 52; “Jemboy,” 39; at “Agne,” 52-anyos.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11 at 12 ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, mga paglabag na may katapat na mabibigat na parusa, kabilang ang habambuhay na pagkabilanggo at mabibigat na multa.
(JESSE RUIZ)
101
