Isang atraksyon na naman ang ginagigiliwan at dinadagsa ng mga turista at mga bisita sa bayan ng Tanauan,Batangas.

Sa isinagawang Christmas Lighting, naging tampok ang pinakamalaking ‘immersive theme park’ sa Pilipinas.

Ito ang JCastle na may 19 Exhibits at mga atraksyon na inaalok ng Studio at Pope Castle.

Mabubusog ka naman sa kanilang sariling Blue Burger at ang kamangha-manghang kastilyo at Taal Lake View.

May mga palabas din sa liwamag at tunog sa Amphi theater at iba pang mahiwagang atraksyon.

Ayon kay JCastle General Manager Armi Cortes, may mga kaabang-abang pang atraksyon sa susunod na taon kung saan kasalukuyan itong itinatayo kabilang rito ang mga rides at hotel.

Pagdating sa seguridad, sinabi ni GM Cortes na mahigpit naman ang seguridad sa kanilang theme park para sa mga namamasyal.

115

Related posts

Leave a Comment